02/11/2023
SILING DEMONYO 👹
Hello November! Akalain mo nga naman. Kung kailan tayo mag ququit mag tanim eh tsaka tayo makakakuha ng gusto nating mga buto.
Eto na nga! Nakakuha tayo ng siling demonyo sa isang lugar na hindi natin inaasahan. Pinag drive ko lang naman yun nanay ko at habang nag hihintay sa loob ng kotse eh nakita ko to sa labas ng opisinang pinuntahan namin. Siempre nagpa-alam muna ako sa staff dun kasi hindi naman atin yun at ugaliin mag tanong muna kung pwedeng kumuha.
Kung hindi ako nagkakamali isa itong California Reaper. Hindi ko lang sure anong klaseng species ito sa dami nila pero sure akong magpipinsan lang sila neto haha dito samin Siling Demonyo naman yun tawag kasi ang anghang nga naman.
Anyway, pinatuyo ko lang yung sili para mas mabilis ma-harvest yung seeds niya. Around 1-2 weeks depende sa init ng panahon. Pag nakita niyong dry na sign na na pwede na siya iharvest.
Alam niyo bang naka talong pack nakong bumili neto online. Ni isa walang tumubo, ewan ko ba kung na scam ako or what pero 100 pesos yun at 10pcs seeds yung laman eh walang tumubo ni isa fucha talaga. Sana ngayon eh tumubo na to kasi libre HAHAHAHA
At siempre sa bawat photo neto may ilalagay akong explaination hehe
Yun lang naman haha babush ✨