30/06/2026
Well, sa totoo lang naman talaga, mas mura nga kung foreman foreman lang. Pero totoo nga ba talaga?
Kami pa mismo ang magsasabi nito, kahit PCAB-licensed kami na design and construction firm dito sa Pilipinas. Oo,
Kasi totoo naman talaga, mas mura nga kapag foreman lang ang bahala sa project mo, from labor hanggang sa pagbili ng materials. Wala kang babayaran na professional fees, wala ring permit processing, tapos mabilis pa dahil informal lang naman ang setup, di ba?
๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฑ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ผ๐ธ ๐๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป: ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ฏ๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ถ?
Isipin mo, dumating yung tag-ulan tapos biglang tumulo yung bagong tayong bubong mo, o nalaman mo na hindi pala sapat yung reinforcement ng poste.
Sino kakausapin mo non?
Kasi yung foreman, wala syang license na pwedeng habulin sa korte o sa PRC. Wala rin syang permit na naka-pangalan sa kanya na nagsasabing sumunod siya sa National Building Code. Tapos base sa experience namin sa AAI, kadalasan, doble pa nga yung gastos sa pag-aayos kumpara sa "savings" mo noong umpisa.
Hindi naman ito laban sa mga foreman ha.
Marami sa kanila talagang magaling, lalo na pagdating sa actual na trabaho.
Ang point lang namin, iba yung skill sa kamay at iba yung accountability na dala ng isang license. Kasi yung licensed architect o engineer, may responsibilidad sila sa code compliance, sa structural integrity, at sa legal side ng project bago pa man matapos lahat, hindi lang pagkatapos magka-problema.
Kaya bago ka magdesisyon, tanungin muna sarili mo: ready ka ba sa possible gastos at headache kapag nagkaproblema sa hinaharap? Sulit pa rin ba yung "mura" ngayon kung yung nakataya pala ay pinakamalaking investment mo, yung bahay ng family mo?
Gusto namin malaman, meron na ba kayong experience, maganda man o hindi, sa pag-hire ng foreman lang? I-share niyo sa comments, gusto namin marinig totoong kwento niyo.
๐ง [email protected]
๐ 09474085820