02/10/2026
Josue 1:9
“Ito ang aking utos: Magpakatatag ka at magpakatapang! Huwag kang matakot o mangamba sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay sasaiyo saan ka man magpunta.”
May mga araw na kailangan nating harapin ang mga bagay na hindi natin sigurado. Minsan alam natin ang dapat gawin, pero natatakot pa rin tayo dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari pagkatapos.
Paalala sa atin ng Diyos ngayon: magpakatatag tayo at huwag pangunahan ng takot. Hindi dahil madali ang buhay, kundi dahil kasama natin ang Panginoon sa bawat hakbang.
Kapag alam nating kasama natin ang Diyos, maaari tayong humakbang nang may pananampalataya kahit hindi pa natin nakikita ang buong daan.
Kung may bagay tayong kinatatakutan o matagal nang ipinagpapaliban, gawin natin ang isang hakbang ngayong araw. Manalangin muna, pagkatapos ay kumilos nang may pagtitiwala sa Diyos.
“Hindi natin kailangang malaman ang buong daan; sapat nang alam nating kasama natin ang Diyos sa bawat hakbang.” Amen.
Friday Blessings. ❤️❤️❤️