07/10/2026
STORY TIME .…..WOW MALI 😅
May nag-message sa amin na Client tungkol sa refrigerator nila na hindi lumalamig.
Nagpa-book agad siya ng Check Up & Repair sa JM Munar’s Ref & AC Services.
Okay, confirmed ang schedule.
Pero… same day, biglang ipinakansel din ni Client ang booking. 😅
No problem sa amin. We respect the client’s decision. Baka nagbago ng plano, may ibang technician na napili, or may personal reason—okay lang naman po.
After two days, nag-follow up kami:
“Naipagawa na po ba ang refrigerator ninyo?”
Walang reply.
Then fast-forward to this afternoon…
Biglang nag-message si Client at sinabing nasira raw namin ang refrigerator nila, malaki raw ang binayaran nila, at tinawagan pa raw nila mismo ang manufacturer para ipa-check kung ano ang nasira.
At doon na kami napaisip…
“Wait lang po… JM Munar po ba ang nag-service sa refrigerator ninyo?” 🤔
So nag-check kami agad ng database at conversation history.
At nakita namin ang very clear record:
📌 Confirmed booking — YES
📌 Assigned technician — YES
📌 Actual service performed by JM Munar — NONE
📌 Booking status — CANCELLED BY CLIENT
At hindi lang basta cancelled sa system.
May conversation mismo na makikita na si Client ang nag-request na i-cancel ang scheduled Check Up & Repair.
Kaya politely naming sinagot si Client:
“Ma'am/Sir, kindly backread po natin ang conversation natin. Kinansel po ninyo mismo ang scheduled Check Up & Repair. Wala pong technician from JM Munar na nakapunta at nakapag-service ng refrigerator ninyo.”
Meaning, hindi po kami ang nag-check, hindi kami ang nag-repair, at hindi rin kami ang nagbukas o nagtrabaho sa unit.
Kaya kung may naging problema man pagkatapos ng cancellation, hindi po namin maaaring akuin ang isang service na hindi naman namin ginawa.
Masakit lang isipin na umabot pa sa point na parang napasama ang pangalan ng JM Munar sa manufacturer/other technicians, gayong may documented proof naman kami na cancelled ang booking at wala kaming actual service record for that unit. 😥
Kaya lesson learned din po sa amin:
Documentation matters.
Hindi sapat ang “sabi ni Client” o “sabi ng technician.”
Sa JM Munar, iniingatan namin ang:
✅ Booking records
✅ Cancellation records
✅ Chat history
✅ Job Orders
✅ Assigned technician
✅ Service reports
✅ Before/after documentation
Dahil kapag may misunderstanding, records ang nagsasalita.
At sa Client naman po, sana bago natin sabihing “sinira ng previous technician”, siguraduhin muna natin kung sino talaga ang nag-service. 😊
Sa pagkakataong ito, na-WOW MALI po tayo. 😂
Hindi po kami galit.
Nagre-respeto lang kami sa facts.
— JM Munar’s Ref & AC Services
Fast. Reliable. Affordable.