11/09/2026
BAKIT NGA BA NEED MO NG PROFESSIONALS NA MAGDI-DISENYO NG IYONG BAHAY O GUSALI?
Architects & Engineers are the ONLY professionals na lehitimong nagpa-PLANO at nagdi-DISENYO ng bahay o gusali. Consider these things:
Pinagpaguran mo ang pera, hindi ito pinupulot lang, at hindi ito dapat sayangin sa mga bagay na walang kasiguraduhan, by thinking na makakamura ka.
Dahil pinagtatrabahunan mo ang pera na inilalaan para sa iyong pamilya at bahay, nararapat lamang na nakadisenyo ito na naaayon sa iyong pangangailangan at lifestyle nyo.
Dapat naka plano ng maayos ang iyong bahay or gusali bago ka magpatayo nito, mayroong national, local codes and ordinances na sinusunod ang mga professionals upang maging compliant ang bahay o gusali.
May liability ang mga nabangit na professionals na kapag may nangyari sa bahay o gusali ninyo. mayroon kayong habol on any untoward incident na mangyayari sa bahay
Nakasisiguro ka na nakasunod sa national building code yung bahay o gusali mo.
Tumataas ang value ng property nyo kapag well planned and documented yung structure nyo. Yung design ng bahay mo ay swak sa budget mo, at hindi ka nanghuhula sa presyo. Nasasayo na kung gusto mo mag exceed sa budget mo during finishing ng construction.
Kung magkaroon ng problema sa inyong bahay o gusali, meron kang direktang mapagtatanungan, hindi yung kung saan saan tao o page ka nagpopost upang makahingi ng tulong, dahil obligasyon ng professionals na nagdesign ng iyong bahay o gusali ang sumagot sa mga tanong mo.
Alalahanin mo, buhay mo at ng pamilya mo ang nakasalalay, wag mo ipagsapalaran kung kanikanino lang na walang professional liability.
Ang bottomline…SULIT ang ibabayad mo sa mga professionals, dahil wala kang sakit ng ulo.
From concept to creation—stay updated with our journey.
https://www.facebook.com/MCRArkiBuild
www.linkedin.com/in/mcrdesignandbuildgroup
https://www.instagram.com/mcrkitectsdac/
https://www.threads.com/
[email protected]
If you want us to send our latest Company Portfolio, fill up our online form below:
https://forms.gle/pPrWXRGzQ13U2Qw66
GREAT ARCHITECTURE is on its way...Let's BUILD yours too...
See you soon! 🙂