news ph

news ph NEWS' & MEDIA WEBSITES

UNAHIN ANG BAYAN. GAWIN ANG TRABAHO. 💙Sa gitna ng iba’t ibang pananaw at pagbabago sa politika, ang pinakamahalaga ay ma...
17/06/2026

UNAHIN ANG BAYAN. GAWIN ANG TRABAHO. đź’™

Sa gitna ng iba’t ibang pananaw at pagbabago sa politika, ang pinakamahalaga ay manatiling nakatuon sa layunin ng paglilingkod at paghahatid ng resulta para sa mamamayan.

Para kay Senator Joel Villanueva, ang laban kontra korapsyon at ang pagsusulong ng mabuting pamamahala ay hindi dapat nakabatay sa personal na relasyon o pampulitikang kulay. Ang dapat manaig ay ang konsensya, integridad, at katapatan sa sinumpaang tungkulin.

Higit sa pagkakaibigan.
Higit sa pulitika.
Higit sa anumang pansariling interes.

Ang tunay na sukatan ng isang lingkod-bayan ay ang kanyang kakayahang gawin ang tama, kahit mahirap, at piliin ang kapakanan ng bayan sa bawat pagkakataon.

Maglingkod sa Diyos.
Unahin ang bayan.
Panindigan ang tama.
Gawin ang trabaho.


LOOK: THE NEW SENATE MAJORITY AND MINORITYThe Senate on June 17, 2026, elected its Sen. Win Gatchalian as Senate Preside...
17/06/2026

LOOK: THE NEW SENATE MAJORITY AND MINORITY

The Senate on June 17, 2026, elected its Sen. Win Gatchalian as Senate President and Sen. Tito Sotto as Senate President Pro Tempore following another leadership change in the chamber.

Here is the breakdown of the Majority and Minority bloc.

news ph

BREAKING: Sen. Miguel Zubiri, kinumpirma na ika-13 Senador si Sen. Joel Villanueva. | via Joseph Morong/GMA News news ph
17/06/2026

BREAKING: Sen. Miguel Zubiri, kinumpirma na ika-13 Senador si Sen. Joel Villanueva. | via Joseph Morong/GMA News
news ph

SHARON, SINABING HINDI NAGING MAGANDA ANG PAGPILI NI MARCOS NG BISE PRESIDENTENaging usap-usapan ang pabirong komento ni...
17/06/2026

SHARON, SINABING HINDI NAGING MAGANDA ANG PAGPILI NI MARCOS NG BISE PRESIDENTE

Naging usap-usapan ang pabirong komento ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa naging katambal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections.

Sa isang gala event sa Foro de Intramuros, ipinakilala ni Sharon ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan bilang kanyang kasama sa gabi bago bumanat ng biro sa Pangulo.

“Sir, I have only one vice president there. My date tonight. Mali your choice, ’no?” ani Cuneta, na ikinatawa ng mga dumalo sa okasyon.

Ang tinutukoy ng aktres ay ang vice presidential race noong 2022 kung saan tumakbo si Pangilinan laban kay Vice President Sara Duterte.

Bagama’t pabiro ang kanyang pahayag, hindi nakaligtas sa atensyon ng publiko ang tila patama ni Cuneta kaugnay sa naging resulta ng nakaraang halalan.

52 ARMAS UMANO NI VP SARA, BAGONG EBIDENSIYA SA IMPEACHMENT NI VP SARAIsinusulong ng House prosecution panel ang bagong ...
17/06/2026

52 ARMAS UMANO NI VP SARA, BAGONG EBIDENSIYA SA IMPEACHMENT NI VP SARA

Isinusulong ng House prosecution panel ang bagong alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte matapos umanong matuklasan ang 52 armas na nakapangalan sa kanya at sa asawang si Atty. Manases Carpio.

Kabilang sa mga armas na binanggit ng prosecution team ang mga shotgun, rifle, at pistol na sinasabing hindi naisama sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente.

Ayon kay House Prosecutor Terry Ridon, bahagi ang naturang impormasyon ng mga ebidensiyang kanilang ihaharap sa impeachment proceedings laban kay Duterte.

Giit ng prosecution panel, mahalagang masuri ang usapin dahil maaari itong may kaugnayan sa alegasyon ng unexplained wealth o mga ari-ariang hindi umano naipaliwanag nang maayos sa mga dokumentong dapat isinumite ng opisyal.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang kampo ni Duterte kaugnay sa naturang alegasyon.

“NABUDOL NIYA SILA LOREN” SEN. RAFFY SINABING NAGAMIT NI CAYETANO ANG TALINO SA PAMBUBUDOL NG KAPWA SENADORNagpatuloy an...
16/06/2026

“NABUDOL NIYA SILA LOREN” SEN. RAFFY SINABING NAGAMIT NI CAYETANO ANG TALINO SA PAMBUBUDOL NG KAPWA SENADOR

Nagpatuloy ang mga maaanghang na pahayag ni Sen. Raffy Tulfo laban kay Sen. Alan Peter Cayetano sa gitna ng usapin tungkol sa liderato ng Senado.

Bagama’t kinilala niya ang talino at kakayahan ni Cayetano, naniniwala si Tulfo na hindi ito nagagamit sa tamang paraan at nagiging dahilan pa umano upang makumbinsi ang ilan nilang mga kasamahan sa Senado.

“At gaya ng nasabi ko, he’s very intelligent and very smart, eh nabudol niya sila Loren at ibang mga kasamahan niya na these senators are known to be intelligent as well, levelheaded at decent senators na niloko niya,” pahayag ni Tulfo.

Kasunod nito, ikinuwento ng senador ang kanyang nalalaman tungkol sa isang nakaraang pagbabago sa liderato ng Senado. Aniya, may inaasahan umanong suporta si Sen. Loren Legarda para sa pagkapangulo ng Senado, ngunit sa huli ay si Cayetano ang naupong Senate President.

Para kay Tulfo, ipinakikita ng pangyayaring ito kung paano umano nakukuha ni Cayetano ang suporta ng ilan sa kanilang mga kapwa senador sa kabila ng matitinding kompetisyon sa loob ng institusyon.

TAUMBAYAN NAMULAT NA RAW KAY VP SARA?Naniniwala si broadcaster Arnold Clavio na nagkakaroon na ng pagbabago sa pananaw n...
16/06/2026

TAUMBAYAN NAMULAT NA RAW KAY VP SARA?

Naniniwala si broadcaster Arnold Clavio na nagkakaroon na ng pagbabago sa pananaw ng maraming Pilipino kay Vice President Sara Duterte matapos lumutang sa publiko ang iba’t ibang alegasyon at usaping tinalakay sa mga pagdinig.

Ayon kay Clavio, naging daan ang mga pagdinig upang masuri ng mamamayan ang mga kontrobersiyang iniuugnay sa bise presidente noong siya ay nasa katungkulan.

Dahil dito, mas lumawak umano ang pag-unawa ng publiko sa mga isyung matagal nang pinag-uusapan.

Iginiit din niya na nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makita ang kabuuang larawan ng mga akusasyong ibinabato laban kay Duterte.

Sa kanyang pahayag, sinabi niyang “namulat at nagising” ang mamamayan sa umano’y paraan ng pagsasamantala habang nasa puwesto ang bise presidente.

Para kay Clavio, posibleng makaapekto ang mga lumabas na impormasyon sa antas ng kumpiyansa at suporta ng publiko kay Duterte.

Aniya, maaaring maramdaman ang epekto nito sa mga susunod na hamong pampulitika at mahahalagang usaping kakaharapin ng pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

PBBM: MASAMA ANG MAGNAKAWNagbigay ng matinding pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa korapsyon at paglustay...
16/06/2026

PBBM: MASAMA ANG MAGNAKAW

Nagbigay ng matinding pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa korapsyon at paglustay ng pondo ng gobyerno sa isang press conference sa Malacañang nitong Martes, Hunyo 16.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang perang nawawala dahil sa katiwalian ay hindi pag-aari ng sinumang opisyal, pribadong indibidwal, o kumpanya kundi ng buong sambayanang Pilipino.

Dahil dito, inilarawan ni Marcos ang pagnanakaw sa kaban ng bayan bilang isa sa pinakamabigat na kasalanang maaaring gawin laban sa publiko.

“What they have taken is not my money or your money or a company’s money. It’s the money from the people, and that is the worst sin of all,” pahayag ng Pangulo.

Iginiit niya na ang bawat pisong nawawala sa korapsyon ay perang dapat sana’y napupunta sa mga programa at serbisyong makikinabang ang mga Pilipino.

ATE SHAWIE NAGLABAS NG SAMA NG LOOB SA MGA EX MARINESMariing itinanggi ni Mega Star Sharon Cuneta ang alegasyong ibinaba...
16/06/2026

ATE SHAWIE NAGLABAS NG SAMA NG LOOB SA MGA EX MARINES

Mariing itinanggi ni Mega Star Sharon Cuneta ang alegasyong ibinabato sa kanya at sa asawang si Senador Kiko Pangilinan ng mga umano’y dating bodyguards ni Zaldy Co.

Ayon sa aktres, walang katotohanan ang mga paratang at iginiit na ang kanilang pagbisita sa Marawi ay upang magpasalamat sa mga opisyal at kanilang mga pamilya na sumuporta kay Pangilinan noong nakaraang halalan.

Aniya:

"MGA SINUNGAAAAL!NG!!!!!! SOBRA TALAGA KAYO!!!!! I vlogged about this visit my family and I made to Marawi to thank the Governor, Mayor, and other officials and their families for their support for Kiko. Talaga ba, magbibigay kayo ng maleta sa amin SA MARAWI PA???!!! Ang kakapal ng mukha ninyo talaga sukdulan!!! Eto nagtetaping pa ako ngayon-nagbabanat pa rin ng buto at lumalaban ng patas."

'MGA SINUNGALING!'Pinalagan ng aktres na si Sharon Cuneta ang alegasyong nakatanggap sila ng maletang may lamang pera ng...
16/06/2026

'MGA SINUNGALING!'

Pinalagan ng aktres na si Sharon Cuneta ang alegasyong nakatanggap sila ng maletang may lamang pera ng asawang si Senador Francis Pangilinan.

Address

Makati City
Manila
1209

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when news ph posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to news ph:

Share