10/07/2026
❄️ Akala ng client, wala nang pag-asa ang aircon niya... pero ang totoong problema, maling refrigerant charge lang pala!
Marami nang technician ang tumingin sa Daikin Split Type inverter na ito. Dalawang beses na itong kinargahan ng refrigerant, napalitan na rin ang outdoor capacitor at reciever board, pero hindi pa rin maayos ang lamig.
Pagdating namin, hindi kami agad nagpalit ng piyesa. Sinuri muna namin nang maigi ang buong sistema at nakita namin na hindi tama ang refrigerant charge, kaya hindi maayos ang takbo ng aircon.
Kumpiyansa naming sinabi sa client: "Kapag hindi namin napalamig, wala kayong babayaran."
Matapos maitama ang refrigerant charge at maayos ang calibration ng system, bumalik ang tamang lamig ng aircon. Masaya at kampante na ulit ang client dahil maayos na ang performance ng unit.
✅ Tamang diagnosis bago magpalit ng piyesa. ✅ Hindi hula, tamang proseso. ✅ Honest at quality service.
📍 Service Areas: Malolos • Guiguinto • Bulakan • Plaridel • Calumpit • Hagonoy
📩 Message us today para sa inyong Aircon Cleaning, Repair, Installation at Preventive Maintenance Service (PMS).
Vin's Aircon & Appliance Services Cooling Solutions You Can Trust.