Timesgold Aluminum and Glass Service Inc.

Timesgold Aluminum and Glass Service Inc. Transforming Residential and Commercial Spaces with High-Quality Glass and Aluminum Solutions Built for Style, Strength, and Lasting Performance.

NOTICE TO THE PUBLICPARA SA KAALAMAN NG AMING MGA KLIYENTE, PARTNERS, SUPPLIERS, CUSTOMERS, AT NG PUBLIKOIpinapaalam ng ...
15/08/2026

NOTICE TO THE PUBLIC

PARA SA KAALAMAN NG AMING MGA KLIYENTE, PARTNERS, SUPPLIERS, CUSTOMERS, AT NG PUBLIKO

Ipinapaalam ng TIMESGOLD ALUMINUM AND GLASS SERVICE INC. na si ROWEL A. SOTTO, dating Foreman ng kumpanya, ay hindi na konektado o awtorisadong kumatawan sa kumpanya effective immediately, at hindi na konektado sa Timesgold simula Agosto 2026.

Dahil dito, anumang transaksyon, kasunduan, quotation, payment request, down payment, o commitment na isinagawa niya nang walang pahintulot o kaalaman ng aming management ay hindi awtorisadong transaksyon ng Timesgold Aluminum and Glass Service Inc.

Kalakip ng paunawang ito ang ilang letter agreements na aming natanggap mula sa isang kliyente na nagsasaad ng naging transaksyon at pagbabayad ng down payment. Nais naming ipabatid na ang nasabing transaksyon ay hindi naipaalam at hindi naitala sa aming opisina o management sa panahon na ito ay isinagawa.

Ang paunawang ito ay hindi inilalabas upang manghiya o manira, kundi para sa public awareness, transparency, at proteksyon ng aming mga kliyente at business partners.

Kung mayroon pang ibang kliyente, supplier, o indibidwal na nakaranas ng katulad na sitwasyon o may naging transaksyon na hindi dumaan o hindi naipaalam sa aming opisina, hinihikayat namin kayong lumapit at makipag-ugnayan sa Timesgold Aluminum and Glass Service Inc. upang maayos naming maidokumento at ma-verify ang inyong concern.

Ang mga mapatutunayang apektadong partido ay maaaring makipag-ugnayan sa kumpanya upang mapag-aralan ang nararapat na legal na hakbang, kabilang ang sama-samang pagkilos kung naaayon sa batas at sa payo ng aming legal counsel.

Para sa inyong seguridad, mangyaring beripikahin muna sa aming authorized representatives o management ang anumang transaksyong may kaugnayan sa Timesgold.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pakikipagtulungan, at patuloy na pagtitiwala.

TIMESGOLD ALUMINUM AND GLASS SERVICE INC.
Official Public Notice

Address

Unit A, B, D & E Solidgold Arcade Bldg. , Naga Road , Pulanglupa
Las Piñas
1742

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Timesgold Aluminum and Glass Service Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share