09/08/2026
Maraming salamat sa mga nag-comment at nag-share ng kanilang opinion tungkol sa previous post ko about โTOO MUCH ORNAMENTATIONโ. (see attached picture)
Gusto ko lang linawin ang punto ko bilang isang architect.
Hindi ako nagpo-post para mang-insulto ng homeowner, manghusga ng taste ng ibang tao, o sabihin na mali ang gusto nila.
Ang trabaho ko bilang architect ay mag-share ng kaalaman tungkol sa design, kung ano ang maaaring maging too much, kung ano ang balanced, at kung paano nagiging mas functional at timeless ang isang space.
Parang doctor lang.
Kapag sinabi ng doctor sa pasyente na โisang cup of rice lang muna para mas healthy ka,โ recommendation iyon base sa kanyang expertise.
Pwede mong sundin.
Pwede mo ring hindi sundin.
Hindi naman magagalit ang doctor.
Pero ikaw ang makakaranas ng resulta ng choice mo.
Ganun din sa architecture.
I can tell you what I believe is good design based on my experience and training.
I can explain why certain elements work together, why some things become visually overwhelming, and why sometimes less is more.
Pero pagkatapos nun, nasa inyo pa rin ang decision.
Kayo ang titira sa bahay.
Kayo ang gagastos.
At kayo ang dapat masaya sa magiging resulta.
At para malinaw din, wala akong sinisiraan na particular na homeowner sa post na iyon. The image was AI-generated in the first place.
Walang totoong bahay na tinutukoy.
Walang homeowner na pinapatamaan.
Ang pinag-uusapan ko ay yung design principle.
Kung hindi kayo agree sa opinion ko, okay lang.
Hindi naman kailangang pareho tayo ng taste.
Architecture is subjective in many ways, pero may mga principles din itong pinag-aaralan at pinapractice.
Ang purpose ng page na ito ay hindi para sabihin sa inyo kung ano ang dapat ninyong mahalin.
Ang purpose ko ay bigyan kayo ng bagong perspective para mas informed kayo kapag nagde-design o nagpapagawa ng bahay.
You can listen.
You can disagree.
You can ignore my advice.
At the end of the day, choice ninyo pa rin iyon.
Hindi naman ako mamamatay kung hindi ninyo susundin.
Pero kung may isang idea akong maibahagi na makakatulong sa isang taong magpapagawa ng bahay at makapagdesisyon nang mas maayos, then for me, worth it na ang pag-share ko.
Architect Ed.