05/09/2026
Panginoon, maraming, maraming salamat po. 🙏❤️
Hindi namin alam kung paano sapat na maipapaliwanag ang aming pasasalamat sa lahat ng biyayang patuloy Mong ipinagkakaloob sa amin.
Sa bawat pagkakataong pinagpapala Mo kami, ipinapaalala Mo rin na hindi lamang para sa amin ang mga biyayang ito—kundi maaari rin naming maging daan upang pagpalain ang iba.
Simple lang po kaming mga tao. Wala kaming malaking kakayahan, pero mayroon kaming pusong gustong tumulong. Kaya habang may pagkakataon, nais naming ibalik kahit kaunti sa kabutihan at biyayang ipinagkatiwala Mo sa amin.
It’s time to give back. 🤍
Ngayong pagkakataon, 200 families mula sa Barangay Poblacion, Maniknik, Mabical, Gutad, Anon, Dampe, at San Pedro ang nais naming maabot at mapasaya. 🥹❤️
Hindi man kalakihan ang aming maibibigay, buong puso namin itong ginagawa. Dahil natutunan namin na hindi kailangang maging mayaman para maging blessing—kailangan lamang magkaroon ng pusong handang magbahagi.
Sa mga pamilyang aming natulungan, sana maramdaman ninyo na may mga taong handang umalalay at magbigay kahit sa simpleng paraan.
At higit sa lahat, Panginoon, Ikaw ang tunay na dahilan ng lahat ng ito.
Kung wala Ka, wala rin kaming maibibigay.
Lahat ng mayroon kami ay biyaya Mo. Lahat ng mabuti naming nagagawa ay dahil binigyan Mo kami ng pagkakataon. At ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Iyo lamang. 🙏❤️
Thank You, Lord, for allowing us to be a blessing.
May we always have grateful hearts and generous hands. 🤍
To God be all the glory. 🙏✨