07/08/2026
PAHAYAG NG BUONG PAG-ENDORSO AT SUPORTA NG COUNCIL OF STUDENT LEADERS NG UP MINDANAO KAY AJ SUPERAL LOZANO BILANG IKA-43 UP STUDENT REGENT
Ang Council of Student Leaders (CSL) ng Unibersidad ng Pilipinas Mindanao, tangan ang mandato ng mga konseho at mga organisasyong aming kinakatawan, ay buong-buo at walang pag-aalinlangang nag-eendorso kay AJ Superal โJayโ Lozano bilang ika-43 Student Regent ng Unibersidad ng Pilipinas.
Bilang dating Punong-Patnugot ng Himati at Vice Chairperson for Mindanao ng UP Solidaridad at kapwa lider-estudyante, pinatunayan ni Jay ang kanyang matatag na paninindigan para sa karapatan at kapakanan ng mga Iskolar ng Bayan at ng sambayanan. Ang kanyang panawagang โPanalipdan ang Tulunghaan sa Katawhanโ ay malinaw na tugon sa tumitinding krisis sa edukasyon, militarisasyon ng mga kampus, panunupil sa mga estudyante, at patuloy na pagkakait ng batayang serbisyo sa loob ng pamantasan.
Nakaugat ang kanyang Pangkalahatang Plano ng Pagkilos sa isang OSR na nagmumula sa malawak na konsultasyon at kolektibong pagkilos. Isusulong niya ang mas mataas na badyet para sa UP, sapat at aksesibleng serbisyong pang-estudyante, serbisyong kaisipang pangkalusugang, at pagsulong sa pambansa, siyentipiko, at makamasang edukasyon.
Matatag din ang kanyang paninindigan laban sa militarisasyon at panghihimasok ng estado sa akademikong espasyo. Kaisa natin siya sa panawagang palayasin ang 11th Regional Community Defense Group sa UP Mindanao, tutulan ang represibong MROTC, wakasan ang UP-AFP Declaration of Cooperation at iba pang mapanganib na kasunduan sa mga pasistang ahensya ng estado, at palakasin ang Defend UP Network laban sa red-tagging, paninindak, at paglabag sa karapatang pantao.
Kaisa rin natin si Lozano sa pagtatanggol sa tunay na representasyon ng mga estudyante at kalayaan ng pamamahayag. Isusulong niya ang mas malawak at tunay na partisipasyon ng mga mag-aaral, sapat na suporta sa mga publikasyong pangkampus, at pagpasa ng Campus Press Freedom Bill. Kasabay nito, itataas niya ang ibaโt-ibang panawagan katulad ng Free Tacloban 5! Palayain ang Agusan 6! Ilitaw si William Lariosa! Hustisya para sa Toboso 19!
Hindi hiwalay ang laban ng pamantasan sa laban ng sambayanan. Kaisa si Lozano sa pakikibaka laban sa korapsyon, pasismo, komersyalisasyon, at imperyalistang panghihimasok. Dapat gamitin ng OSR ang mandato at mga plataporma nito upang iugnay ang mga panawagan ng mga Iskolar ng Bayan sa mas malawak na pakikibaka ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, katutubo, at iba pang batayang sektor na patuloy na lumalaban para sa kabuhayan, karapatan, katarungan, at tunay na demokrasya.
Sa panahong tumitindi ang panunupil at krisis sa loob at labas ng pamantasan, kailangan natin ng Student Regent na hindi uurong sa harap ng pamamasimso. Kailangan natin ng OSR na handang tumindig sa Board of Regents, magbuklod sa sangkaestudyantehan, at makibaka kasama ang sambayanan.
Iasdang ang libre, dekalidad, at aksesibleng edukasyon! Buklurin ang militanteng lakas ng mga Iskolar ng Bayan! Sumanib sa pakikibaka ng sambayanan!
Panalipdan ang Tulunghaan sa Katawhan! โ