18/08/2026
🔨 WE ARE HIRING | ARTIZ ARCHITECTURAL DESIGN SERVICES
Kasalukuyan po kaming naghahanap ng mga qualified at maaasahang construction workers para sa aming upcoming project sa Sta. Rita Ilaya, Batangas City.
⸻
OPEN POSITIONS
🔧 ELECTRICIAN – MULTI-SKILLED / RESIDENTIAL EXPERIENCE PREFERRED
• May experience sa residential electrical works, including wiring, outlets, switches, lighting, at panel board installation
• Marunong magbasa at umintindi ng basic electrical plans
• May kaalaman sa proper grounding at electrical safety practices
• May sariling basic electrical tools (tester, wire st****er, atbp.)
• Preferably may experience sa residential construction
• Multi-skilled / may additional construction skills is an advantage — halimbawa: basic masonry, carpentry, painting, plumbing, or iba pang general construction work
• Willing tumulong sa iba pang construction-related tasks kapag hindi pa available ang electrical works sa project
• Masipag, responsable, maaasahan, at willing matuto
🧱 SKILLED MASON
• At least 3 years experience sa CHB laying, plastering, at concrete finishing
• Marunong sa tamang alignment, plumb, at leveling ng walls
• Kaya magbasa ng basic construction layout
• May sariling basic masonry tools
🔨 LABORER / GENERAL CONSTRUCTION WORKER
• Kaya magbuhat at mag-transport ng construction materials
• Marunong makisama at sumunod sa instructions ng foreman
• Advantage kung may experience na sa construction pero hindi required
• Masipag, responsable, at maaasahan
⸻
📍 PROJECT SITE: Sta. Rita Ilaya, Batangas City (Residential House)
💰 SWELDO: I-didiscuss sa interview
⸻
📩 PAANO MAG-APPLY
Para maayos naming ma-review ang applications, lahat ng interested ay kailangang sagutan ang aming Application Form:
👉 https://forms.gle/NYANWYJ3sWD7C8P5A
Pakilagay po ang mga sumusunod:
• Anong position ang ina-applyan
• Work experience at skills
• Availability / kailan pwedeng magsimula
• Contact information
• Iba pang experience sa construction
⸻
👷 PAGBUO NG WORKER POOL
Habang may hiring po kami ngayon, gumagawa rin ang Artiz ng listahan ng mga skilled at reliable workers para sa future projects.
Kung sakaling hindi ka mapili sa current project, maaaring tawagan ka pa rin namin sa mga susunod na projects na bagay sa skills mo.
Kung interesado kang magtrabaho sa Artiz Architectural Design & Services, para sa current o future projects, mag-apply lang po sa form sa itaas.
⸻
Maraming salamat sa interes na maging bahagi ng Artiz! 🏗️