13/10/2026
🏗️ PALAWAN-BORN. PALAWAN-BASED. READY TO BUILD.
As a local contractor, we support giving qualified Palawan-based construction companies a fair opportunity to contribute to infrastructure development in our province.
We are ready to deliver quality projects, create local employment, and help build a progressive Palawan.
Let local contractors be part of building Palawan’s future! 🇵🇭
SANGGUNIANG PANLALAWIGAN, UMAAPELA SA NIA NA ISAMA ANG MGA PALAWAN-BASED CONTRACTOR SA MGA PROYEKTO SA IKATLONG DISTRITO
Umaapela ang Sangguniang Panlalawigan sa National Irrigation Administration (NIA) MIMAROPA na ikonsidera ang mga kwalipikadong kontratista mula sa Palawan sa pagpapatupad ng mga natitirang proyektong nagkakahalaga ng ₱500 milyon para sa paggawa at pagsasaayos ng mga irrigation canal at farm-to-market road sa ikatlong distrito ng lalawigan.
Ayon kay Board Member Rafael Ortega Jr., sa isinagawang ocular inspection ng Sangguniang Panlalawigan, natuklasang may ilang proyekto na umano ay substandard, habang ang iba ay iniwan ng mga kontratistang na-blacklist.
Nananatili rin umanong hindi natatapos ang ilang proyekto sa Aborlan. Ayon sa NIA, hindi itinuloy ng kontratista ang proyekto dahil hindi pa kumpleto ang bayad. Napag-alaman din na ang mga kontratistang nakakuha ng mga proyekto ay mula sa labas ng Palawan.
Dahil dito, hiniling ni Ortega na bigyan din ng pagkakataon ang mga kwalipikadong lokal na kontratista na makilahok sa mga susunod na proyekto.
Nakatakdang imbitahan ng Provincial Board ang NIA sa Committee on Agriculture upang linawin ang mga patakaran sa pagpili ng mga kontratista at ang kalagayan ng mga hindi pa natatapos na proyekto.| via Jhun Vizier Bantaculo