01/07/2025
https://www.facebook.com/share/p/19BUzR1vg6/?mibextid=wwXIfr
Pinay, kinasuhan sa pagmamaneho ng moped na walang license
Shizuoka Numazu City. Ayon sa news na ito, nag-file ng legal charge ang mga pulis, laban sa isang kababayan nating Pinay, age 23 yrs old, haken syain, matapos na makita nilang nagmamaneho ito ng MOPED ng walang kaukulang license.
Nakita ng mga nagpa-patrol na pulis ang Pinay na nagmamaneho nito sa pedestrian lane na hindi nagpe-pedal, kung kayat pinahinto nila ito at tinanong. Dito nila nalaman na wala syang kaukulang license para gumamit nito.
Ayon sa kanya, ang sasakyan ay hiniram nya lang sa kakilala nya. Ang sasakyan na ito ay automatic na umaandar pag pinihit lang ang throttle.
Base sa batas ng Japan, ang ganitong sasakyan ay consider na motor bike kahit na meron pa itong pedal, kung kayat kinakailangan ng driver license. Kailangan din na meron itong number plate, may suot na helmet ang driver at insurance. Ang mga nabanggit na ito ay hindi din ginawa ng kinasuhang Pinay.
NOTE: We offer document translation (Tagalog, English, Nihongo), document creation (SPA, Affidavit, etc.), and application form printing. Send us a private message here if you need it.