29/08/2025
Complete Sets of Plan, PERO🤔
Kapag kumpleto ang plano (architectural, structural, electrical, plumbing, etc.) pero walang engineer o licensed professional na nagsu-supervise sa actual na construction, maraming panganib at epekto sa ex*****on ng proyekto. Narito ang mga pangunahing epekto:
⚠️ 1. Mali ang Pagkaka-interpret ng Plano
Hindi lahat ng workers (lalo kung walang experience) ay marunong magbasa ng plano.
Baka mali ang sukat, alignment, o detalye ng foundation, slab, beam, column, rebar spacing, at iba pa.
🔴 Epekto: Mismatched ang elements, nagkakaroon ng structural weakness.
⚠️ 2. Substandard Materials ang Ginamit
Walang gumagabay kung anong class ng semento, steel, gravel, CHB, at iba pa ang gagamitin.
Madalas nakakatipid daw, pero ang totoo, nakokompromiso ang tibay ng bahay.
🔴 Epekto: Madaling masira ang bahay, delikado sa lindol, bagyo, at baha.
⚠️ 3. Mali ang Construction Sequence at Method
Halimbawa: hindi naaayos ang curing ng concrete, mali ang pagkabit ng rebars, kulang sa overlap/splice, walang waterproofing, etc.
🔴 Epekto: May tagas, cracks, o hindi stable ang structural elements.
⚠️ 4. Walang Quality Control
Walang nag-iinspect kung tama ang spacing ng rebars, compaction ng lupa, alignment ng CHB, etc.
Hindi rin na-check kung sumusunod sa structural design (e.g., beam size, stirrup spacing, bar diameter).
🔴 Epekto: Baka tumayo nga ang bahay, pero hindi ligtas. May posibilidad ng collapse sa future.
⚠️ 5. Walang Documentation o Certification
Kung walang engineer na nag-supervise, walang as-built certificate o structural stability certificate.
Baka hindi ma-approve for insurance or loan sa bank o government agencies.
🔴 Epekto: Hirap ibenta o ipa-rehistro ang property.
✅ Ano ang Dapat Gawin?
Mag-hire ng licensed Civil Engineer o Structural Engineer para sa site supervision kahit periodic lang.
Magkaroon ng inspection checklist at documentation sa bawat critical stage.
Note1: Para sa dekalidad na Building/Bahay mo, Contact us for assistance " Usap tayo"😁
Note 2: wag masyado magrelay kay Foreman gaya ng sabi ni Contractor Discaya🤣✌️