10/06/2024
STOP GIVING FALSE HOPESβββ
Sent to our inbox by a concerned OFW regarding a post sa fb group nila if totoo bang kaya nga yung ganito.
Wala na pong ganyan na presyuhan sa panahon na ito. Ni isa walang tumama! Malabo pa sa sabaw ng pusit ang sinasabi ninyong compute compute. Kakanood nyo kasi yan ng mga vloggers na may TV TV sa title na pang content lang at halos kasinungalingan mga pinagsasabi.
Aba eh kung ganyan pala presyuhan sa sinasabi mong Probinsya paturo naman kung saan at pabili ng madami!
Yung labor rate ninyo hindi na nga makatao at below minimum wage pa! Tapos gusto mo pa yung may "Malasakit" sa trabaho? Di mukhang pera? Anong tingin mo sa mga Construction worker mga Slaves or charitable institutions? Nagtatrabaho ang mga yan para sa pamilya nila hindi para ma satisfy ang mga Buraot at nanlalamang ng kapwa.
Bibigyan lang daw ng pang meryenda yung mga workers ng mga utility companies.haha ang baba naman po ng tingin ninyo sa kanila para idaan lang sa pa meryenda. Puro Kurakot kasi binoboto ninyo kaya pati utak ninyo utak kurakot na din na pilit i-label as "Diskarte" lang sa Buhay.
Tatagain sa presyo at nagpapayaman lang nasa utak ng mga Architects, Engineers, at Contractors? Tulad din ninyo na OFW na nangibang bansa para kumita ng pera, kailangan din namin kumita kasi may pangangailangan din kami, ang pamilya, empleyado, at ang workers. We don't work for free pero we have the ability to adjust and work around the most feasible and realistic budget ng isang tao base on his/ her Financial capabilities. You just don't pay us on plans and drawings, you pay us to solve problems and formulate tangible and realistic solutions at hindi tantsahan and dinadaan nalang sa padasal at padugo.