08/10/2026
Hindi na lamang plano sa papel ang malawakang pagbabago sa Pangasinan Provincial Capitol matapos umabot sa 82% completion ang Phase 1 ng Capitol Redevelopment Project.
Tatlong pangunahing gusali ang kasalukuyang itinatayo: ang 11-palapag na Government Center, 7-palapag na promenade at commercial building, at 2-palapag na hotel na kayang tumanggap ng mahigit 1,000 bisita.
Sa ilalim ng konsepto ni Governor Ramon “Mon-mon” Guico III, layunin ng proyekto na gawing mas moderno, konektado at episyente ang serbisyo ng pamahalaan—kabilang ang one-stop shop para sa mga transaksyon ng publiko.
Target makumpleto ang Phase 1 sa Disyembre, habang isinama rin sa disenyo ang flood-management measures, pangangalaga sa endemic trees at mga pasilidad na nakatuon sa pangmatagalang pangangailangan ng lalawigan.
Ayon kay FADZ Construction CEO Nathaniel “FADZ” Mariano, malinaw umano sa proyekto ang matapang na vision at leadership ni Guico—isang proyektong aniya’y maaaring maging isa sa pinakamalaking governance projects sa Pangasinan.
Hindi lang bagong gusali ang itinatayo—isang bagong mukha ng Pangasinan ang unti-unting bumabangon.