TriCore Design and Construction

TriCore Design and Construction An engineer-led construction company prioritizing safety and structural integrity.

Your peace of mind is our blueprint.
🛡️ Interior Fit Out & Renovation
🛡️ Ground Up 🛡️Design-Build Services
🛡️ Commercial 🛡️Engineering & Architecture

16/07/2026

Gusto magpa-renovate? Dapat alam mo 'to. 🛠️👇🏼

Isa sa pinakamahirap sagutin na tanong sa amin, ay "Magkano po magpa-renovate?"

Gaya nitong project na nasa video, bago tayo magsimula, kailangan munang hubaran at baklasin ang lumang bubong, trusses, at pader para makita ang totoong kondisyon ng bahay. 🏚️➡️🏡

Sa totoo lang, mas madaling mag-estimate ng bagong gawang bahay kaysa sa renovation.

Bakit?

* Existing Structure: Kailangan muna nating masigurong matibay at safe pa ang mga lumang poste at pundasyon bago natin patungan ng bagong disenyo. Di pwedeng basta maglagay without checking the integrity of your columns.

* Hidden Issues: Minsan sa pagbabaklas pa lang natin makikita ang mga anay, bulok na kahoy, o may crack na semento na kailangang ayusin muna para sa safety ng pamilya mo.

* Salvageable Materials: Tinitingnan din namin kung ano pa ang pwedeng isalba at pakinabangan para makatipid sa materyales.

Kaya sa TriCORE, hindi kami basta nagbibigay ng hula na presyo sa renovation para lang ma-please kayo sa umpisa, tapos manggugulat ng kung anu-anong dagdag-singil sa kalagitnaan. Pinag-aaralan muna nating mabuti ang plano para saktong-sakto ang computation at walang hidden charges. 💯

May luma ka bang bahay o property dito sa Cavite na gusto mong bigyan ng bagong buhay at modernong porma nang ligtas at matibay?
📩 DM mo lang kami ng "RENOVATE" at pag-usapan natin ang plano. Ilapag na natin 'yan! 👷🏼‍♂️✅

07/07/2026

TOP 3 TIPS sa pagpapagawa ng bahay nang hindi kinokompromiso ang tibay at safety ng structure: 🏗️👷🏼‍♂️

1. Mag-invest sa kumpletong plano at Detailed Estimate (BOQ) bago mag-umpisa. Ang pinakamalaking nagpapasakit sa bulsa ng homeowner ay 'yung tinatawag na "Change Orders" o 'yung pabago-bago ng isip habang nasa gitna na ng construction. Kapag urong-sulong ang desisyon (halimbawa: ipapabaklas ang pader kasi biglang gustong ilipat ng pwesto), doble ang gastos sa labor at materyales.

2. I-standardize ang mga sukat para iwas sa "retaso" (Material Waste) Maraming pera ang natatapon sa mga pinagtabasan o retaso ng materyales tulad ng plywood, bakal, at tiles. Kung ang disenyo ng bahay ay gumagamit ng mga kakaibang anggulo o sukat na hindi standard, mapipilitan kayong magtabas nang malaki, at binabayaran niyo 'yung mga tinapong bahagi na 'yon.

3. Unahin ang "Structural" bago ang "Finishing" (Structure over Aesthetics) Kung gipit ang budget, huwag na huwag titipirin ang structural component (bakal, semento, pundasyon) para lang may pambili ng mamahaling tiles o chandeliers. Ang tamang diskarte ay unahin ang matibay at ligtas na shell ng bahay.

30/06/2026

Sa nagpapagawa ng bahay, dapat alam mo 'to. 👇

Ang daming nae-excite sa aesthetic ng bahay, yung pintura, yung tiles, yung bintana. Pero yung totoong investment na magpapatulog sa inyo? Yun yung parte na HINDI niyo na makikita pagkatapos ng construction: ang PUNDASYON. 🏗️

Hindi kami nagtatayo ng bahay para sa 2-3 taon lang. Ang goal ng TriCORE, bahay na matatag at safe tirhan para sa susunod na mga henerasyon. Makakaiwas ka pa sa paulit ulit na gastos.

Sa pundasyon bawal ang hula-hula o tipid-tipid. Sukat at dami ng bakal, lalim ng hukay, at tamang timpla ng semento, lahat sinusunod sa structural plan ng engineer. No shortcuts, dahil buhay niyo ang nakataya.

Naghahanap ng trusted contractor sa Cavite na hindi titipirin ang safety ng pamilya mo? DM niyo lang kami ng "SAFE HOME" ilapag na natin yan! 👷🏼‍♂️✅

24/06/2026

"Magkano po magpagawa?" 🏗️

Naiintindihan namin ang frustration niyo, kapag ang sagot namin ay "Depende sa scope." Digital age na kasi and we all want ng mabilisang computation or instant.

But the truth is, a fast, generic price is the easiest way to get hidden charges and surprise costs. As your contractor, hindi kami pwedeng magbigay ng generic na presyo. Para ma-achieve natin yung safe, modern aesthetic na gusto mo, kailangan nating pag-usapan ang detalye, mula sa layout, sa klase ng pintura, hanggang sa linis ng ex*****on. Para iwas more gastos sa dulo.

At TriCore, we tailor-fit the budget to your exact vision para walang hidden charges. We compute based on your customized design and structural needs. Walang hula-hula. We want every peso accounted for, hanggang sa huling detalye.

Ready for a transparent and accurate quotation for your project? 📩 DM us "QUOTE" with your lot size and let’s talk about your project. Ilapag na natin 'yan! 👷🏼‍♂️✅

Disclaimer: Video playing is a TriCore site inspection. Not a turnover.

15/06/2026

The sound of progress. 🎵💯

Kapag naglalakad ka sa isang subdivision at nakarinig ka ng ganitong tunog ng construction, ano ang naiisip mo? Para sa karamihan, ordinaryong ingay lang 'yan ng bakal at semento.

Pero para sa mga clients natin, that is the sound of progress. Yan ang tunog ng mga pangarap, Pinterest boards, at matagal na pinag-ipunan na unti-unting nagiging totoo.

Bawat putol ng bakal at bawat buhos ng semento na naririnig niyo sa background ay ginagawa with the TriCore Standard. From an empty lot like this to a flawless, modern, and solid home, we make sure na ang journey of building your dream space is structured, professional, and stress-free.

Kung nasa phase ka na ng pagpa-plano ng itatayo mo sa lote mo. Tara simulan natin yan!

📩 DM us "BUILD" with your lot size and let’s turn that empty space into a masterpiece! Ilapag na natin 'yan! 👷🏼‍♂️✅

08/06/2026

Tapos na ang buhos ng pader, plastered na ang karamihan, at nakakabit na ang steel roof trusses. Heto na yung phase na madalas itanong ni client:

Engineer, magkano na lang ba aabutin para sa finishing? 💸

Read the comments >>>

07/06/2026

Ready to build your dream space with a team that respects your budget and protects your property's value?

📩 DM us "BUILD" with your lot area/location and let’s plan your next project! Ilapag na natin 'yan! 👷🏼‍♂️✅

When life gives you Sharmaine... ipatayo mo na 'yan! 🏠🍊Ready to turn your "what if" into an upgraded "executed" reality?...
01/06/2026

When life gives you Sharmaine... ipatayo mo na 'yan! 🏠🍊

Ready to turn your "what if" into an upgraded "executed" reality? 📩 DM us "GLOW UP" with your lot details and one of our engineers will make it happen.

**Note: This is just meme image and not an actual structure or perspective.**

25/05/2026

From outdated and faded typical facade to modernized look. 🏡👷🏼‍♂️

With proper application of modern colors and integrated warm lighting. This facade instantly transformed into a clean, premium-looking residential and store space. This is how we execute smart, high-impact upgrades at Tricore. We apply strict quality control to ensure flawless finishing every time. 📐🎨

Gusto mo rin ba ng ganitong clean at modern look para sa property mo?

📩 Message us "RENO" with your photos or lot details today for a consultation! Ilapag na natin 'yan! 👷🏼‍♂️✅

Address

TCDC
Dasmariñas
4104

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TriCore Design and Construction posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share