DagdagKahalaman

DagdagKahalaman Maglulupa man ako.

07/08/2026

Moving up day na ng baby cobra fern. Thank you Lynn's garden2 sa magandang halaman at sa coaching.

Day 11: Dahil everyday by Agot Isidro ang ulan, nagpuputik na ang lugar kung saan ko tinapon ang mga buto ng kamatis. Re...
31/07/2026

Day 11: Dahil everyday by Agot Isidro ang ulan, nagpuputik na ang lugar kung saan ko tinapon ang mga buto ng kamatis. Rescue mode. Nilipat ko na ang mga kamatis seedlings sa kanilang temporary home---inabot ng dalawang karton ng itlog at may mga naiwan pa.

Kapag daw tumaas na sila ng 3-4 inches ay saka na ililipat sa kani-kaniyang malaking pasô (aka recycled na malalaking plastic bottles). Ipaaampon ko na lang ang karamihan sa kanila. Wala akong lugar para sa plantasyon ng kamatis. 🤣

Tatlong taon na sa akin itong agave, si Agave Concepcion. Sa lahat ng halaman ko, sa kanya ako takot. Bukod sa parang hi...
28/07/2026

Tatlong taon na sa akin itong agave, si Agave Concepcion. Sa lahat ng halaman ko, sa kanya ako takot. Bukod sa parang higanteng karayom ang mga dulo ng dahon, napakabigat niya kasi. At ang kanyang dagta ay nakakapaso, nakakasakit, at nakakapangati.

Matagal na siyang due for repotting pero dahil dambuhala na siya (hanggang leeg ko na), dinelay ko nang dinelay. Until this morning.

Para akong nag-bakal gym. Nagpambuno talaga kami. Root bound na siya. Halos wala ng lupa sa paso at sa gitna ng nakapulupot niyang ugat.Tinapyasan ko ng one inch ang puwetan ng ugat niya. Napanood ko lang sa YouTube na ginagawa iyon sa mga over achiever plants.

Mga isang oras siguro inabot para mailipat ko sya sa higanteng paso. At binawasan ko ang mga damaged leaves niya sa ilalim. Hindi naman ako natatakot dahil ang bilis niya lang gumawa ng dahon. Ang ginamit kong refill na lupa ay loam at buhangin.

Bukas na lang siguro ang "after" pic. Wala akong nakuhang pics at video kanina habang nagpapambuno kami ni agave.

Masaya sa pusong isipin na magsasama pa kami nang maraming taon. Pero sa susunod na repotting, hindi ko na gagawin mag-isa. Sumakit katawan ng lola niyo.

Sabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako bibili ng halaman sa grocery. Sanay kasi sila sa aircon maghapon, hindi san...
27/07/2026

Sabi ko sa sarili ko na hinding hindi na ako bibili ng halaman sa grocery. Sanay kasi sila sa aircon maghapon, hindi sanay sa hirap kaya namamatay agad sa akin. Choz. Eh nakita ko ito, tapos hinawakan ko. Sabi ko, ang ganda ganda mo naman! Paano ka nagkaroon ng mga stripe na ganyan, para kang medyas noong 80s na may ruffle lace.

Tapos sabi niya, mommy uwi na tayo.

Nakakalat sa gilid ng daan somewhere sa Sta. Rosa Business Park sa Laguna. Sabi ko agad, mine na ito Mother Nature thank...
25/07/2026

Nakakalat sa gilid ng daan somewhere sa Sta. Rosa Business Park sa Laguna. Sabi ko agad, mine na ito Mother Nature thank you. Eh kaso bago pa nadampot ng malikot na kamay, nakitang nakatanim pala sa pasô na nakalubog sa tubig. No touch, no deal. Bawal mandarambong.

Maglaway na lang tayo sa at perpektong hugis ng mga dahon.

22/07/2026

Umuulan. Nailabas na ba lahat ng indoor at outdoor-pero-may-bubong na mga alaga for vitaminerals? 🌿🌱🪴☘️🌳 Iinom sila magdamag, malamang may hangover sila bukas.

My outdoor coffee buddy, the resilient, prolific, dainty pennywort. Three propagation attempts in six weeks, done by roo...
20/07/2026

My outdoor coffee buddy, the resilient, prolific, dainty pennywort. Three propagation attempts in six weeks, done by root division:

In loam soil and water, no-drainage containers:
- Penny (momma in the white soup bowl, transferred from a nursery bag of soil)
- Amy (not in photo, gifted to a dear friend)
- Wolowitz (in the broken mug)

In pebbles and water:
-Leonard, in the fish bowl

Nami-miss ko yung kapitbahay namin na maraming pothos sa pader hanggang poste ng Meralco. Wala akong makupitan... este m...
18/07/2026

Nami-miss ko yung kapitbahay namin na maraming pothos sa pader hanggang poste ng Meralco. Wala akong makupitan... este mapitasan ngayon.

Address

Carmona

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DagdagKahalaman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category