30/03/2026
Viral ngayon ang mommy na umattend ng graduation/moving-up ng anak—dahil sa kanyang suot. Simple lang ang tanong: Appropriate ba o hindi?
Sa totoo lang, hati ang opinyon ng netizens:
May nagsasabing "hindi akma sa okasyon"
Dapat daw mas conservative at nakaayon sa pagiging pormal ng school event.
May iba naman na nagsasabing "walang mali", maganda, classy, at confident niya itong nadala.
Eto real talk lang:
Ang graduation ay celebration ito ng bata not a fashion show. Kaya mahalaga pa rin ang sense of appropriateness at respeto sa lugar at okasyon. Di natin binabawal ang pagporma ng mga magulang deserve at moment din naman nila yun sa pagpapaaral sa anak nila. But again, medyo kalma lang sa outfit. 😁
Pero equally important din na hindi rin dapat husgahan agad ang tao base lang sa suot niya. Kung wala naman siyang ginawang bastos o nakaka-disrespect, bakit kailangang i-crucify?
Bottomline here is:
Pwede kang maging "stylish at classy" habang iniisip pa rin ang setting at okasyon.
At bilang netizens, pwede rin tayong magbigay ng opinyon—pero sana may kasamang ring paggalang.
Remember at the end of day hindi damit ang bida kundi ang batang nagpunyagi ng isang buong school year.
Love,
Ma'am Aileen